ONDOY. grrr.
Posted by babolschua at 11:37 PM on September 28, 2009.
okay na angkapatid ko. salamat po. stranded sila sa UERM noong sabado ng tanghali. naging mabilis ang pagbaha sa may sta mesa kung saan siya nagtatrabaho dahil sa nabiyak na pader ng katabing ilog ng UERM.
kasagsagan nun ng malakas na ulan, alalang alala kami kay gerard. text siya ng text. tumatawag. nagkakagulo na raw sa UERM. nagiiyakan ang mga tao. nagtatakbuhan. may ilang namatay.. inakyat na raw nila ang 4th floor ng building para lang maging safe sa mga nangyayari nuong araw na yun. sinasabayan pa to nung pagaalala rin sa min. mataas na rin ang baha at pinasok din ang loob ng bahay.
hindi magkanda ugaga si mama sa pag iisip kay gerard. pati si papa. ako. kami.
kayat nagmatigas sila papat mama. kesa hayaan daw ang kapatid ko doon, nagayos at nagbihis sila para sunduin si gerard. sa kabila ng malakas na ulan at pagbaha.
agad ko kinontak si gerard. sabi ko susunduin sha nila papat mama. tigas ng mga ulo. pero siyempre nagaalala lamang sila. sabi ko sha na ang tumawag kina papat mama at mismong magpaliwanag sa kanila, na hindi ito ang tamang oras at paraan para makauwi na sha ng bahay.
ayos naman, napakiusapan nya. pinagalitan lang naman niya sila papat mama. lol. bibigyan pa siya ng pangalawang iisipin kung magmamatigas pa sila. hindi sila superheroes.
ginabi rin ng uwi sila papat mama kasama si henry. o ha? dahil sa kulit nila. pati sila ay naki lusong sa napaka taas na baha. masayang masayang kwento pa nila tatlo pag uwi. experience daw. ngayon lang daw sila naka experience ng ganun. tsk ondoy nga naman oh.
gabi na nun nung kontakin na namin si gerard. nagising. natutulog na pala siya. pgod na silang lahat. parang nanlulumo ako sa kwento nya sa texts at tawag. wala raw silang kuryente. tipid na tipid sila sa mga pagkain. pinaghati hatian daw nila ang isang basong oatmeal. tanging emergency lights lang daw ang ilaw nila noon. nag aalala ako. di sanay sa ganon ang kapatid ko. maarte kasi si gerard.
umaga nung linggo ng magising ako. nasa amin si boyfriend nun. paggising ko, masayang nalaman ko sa kanya, na nakauwi na raw si gerard. =) tulog, nagpapahinga. salamat. =)
agad ako bumangon. tinuloy ko na yung una kong ni plano. ang magluto ng carbonara. 4th year anniversary namin ni bi ep. bumagyo. hindi ko mailuto nung sabado yung carbonara dahil wala si gerard. naiisip ko siya. gusto ko, nasa bahay si gerard kung gagawin ko ang carbonara.
gising na si gerard habang nagluluto ako. gutom na gutom. tamang tama ang pagkakataon. nagkwentuhan kami. nagbahagi siya ng mga kwento sa akin.
at ayaw na nyang ulit maranasan ang mga nangyari. nakakatakot .
------------
diko lubos maisip kung mapapano na amg taong nawalan ng tirahan. napanood ko sa balita kanina. kabi kabila ang mga balita tungkol sa mga nasalanta ng bagyo. napakarami nila!! tulungan natin sila. hindi naman tayo makalipad at may lakas para sagipin ang lahat. maari natin silang ipagdasal na sanay makaligtas na. at pakikiramay sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay.
nagpapasalamat ako at ligtas si gerard. pero patuloy pa rin ang dasal sa mga biktima na sa hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng gutom, pagod at hirap sa mga naiwan ng bagyong ondoy.
salamat.
-- babols chua (http://twitter.com/babolschua)